1/15/2008

This has got to be the best Fster bulletin evarrr

Akala ko lang naman magiging iba ang
araw na ito. Akala ko magiging normal
lang ang feeling ko, yung tipong
ordinary day lang. Yun naman ang
laging gusto kong mangyari tuwing
sasapit ang araw na ito eh. Pero a few
weeks before, naging masaya ako kasama
mga friends ko. Kaya akala ko rin
makakaya kong magsaya or magcelebrate
ngayon not for my sake, but for
theirs. As usual, gusto ko maging
masaya mga tao sa paligid ko, kahit
ang kapalit ay ang sariling kasayahan
ko o ang tunay kong pakiramdam. Kaya
nga naisip ko, dahil gusto nilang
magcelebrate, ise-celebrate ko na lang
rin ang araw na ito kasama nila (as
per their request). I thought we'll
all be happy; I thought I can try and
forget about my "the day ritual". Pero
a few minutes before this day, ayun,
biglang umatake out of no where ang
lagi kong nararamdaman kapag ika-15
araw ng taon.

Hindi ko ma-explain kung ano talaga
ang feeling ko. Basta, parang merong
something inside me na nagpupumilit
lumabas. Ang problema, sobrang manhid
na ata ako talaga na hindi ko mailabas
ang nararamdaman ko. Yun pa ang isang
lalong nagpapahirap at nagpapasakit ng
damdamin ko. Gusto ko na ngang pigain
ang puso ko, kung pwede lang, ginawa
ko na talaga. Mailabas lang kung ano
man talaga itong nasa loob ko.

Basta, sana lang meron akong
mapagrelease-an nito. At sana rin,
matapos na ang araw na ito, para maka
balik na ako sa dati kong anyo...


... Cinderella (nakuha pang magpatawa)

|

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?